Skip to content

Isang Junk Food lang ang Katapat

September 9, 2011

Wow Boy Bagwa! Thanks!

3PM, Joke time. At natatawa rin ako sa sarili ko ngayon dahil pinipilit kong magsulat sa Filipino. Yes, binabalik ko na (well, hindi naman talaga lubusan, pero…I’m trying).

Di ko akalaing tatatak ang pangalang ‘yun sakin. Isang pangalang lumabas sa aking bibig sa kalagitnaan ng tawanan ng mga magkakatrabaho sa isang engineering firm. Pangalang ‘di mo akalaing nanggaling pala sa isang junk food na pinagsasaluhan habang nagkukulitan sa break time. At kahit anung pilit pa ang gawin ko, ‘di ko talagang maikakaila na ang pagbasa ko sa “Boy Bawang” ay “Boy Bagwa”. Alam kong tumatawa ka ngayon, natawa rin ako sa sarili ko noong mga panahong ‘yon. Kasi alam kong “Boy Bawang” namang talaga ang nasa isip ko pero bakit “Boy Bagwa” ang nasabi ko.

Sa mga panahon kasing ‘yon may iba akong iniisip. Iniisip ko kung paano ko maibabalik ang pagsusulat ko ng Filipino. Matagal narin kasi akong di nakakasulat ng Tagalog. Sa katunayan, namulat ako sa pagsusulat gamit ang wikang Filipino. Hindi ko lang alam, sa dami na ng naisulat ko…bakit ‘di ko namalayang nailayo ko na pala ang sarili ko sa pagsusulat gamit nito. Dati kasi pinipilit kong kalimutan ang pagsulat sa Filipino para mahasa ko ang pagsusulat ko ng Ingles. Sa katunayan, naging epektibo naman. Pero napagisip-isip ko na mali pala ang paniniwalang iyon.

Sinasabi ko sa sarili ko na kaya kong pagsabayin ang dalawa. Isang pagsubok na kailangan kong lampasan para mapagtibay ang aking kaalaman sa sining ng pagsusulat. Kaya ngayon, ako’y nagbabalik bilang si Boy Bagwa. Parang Junk Food ang tunog ng pangalan, pero sa naman hindi junk ang akin naisusulat.

Advertisements
2 Comments leave one →
  1. September 11, 2011 9:00 pm

    Ahahaha.. Boy Bagwa, isa ngang Boy Bawang dyan! ahehehe 😀

  2. September 19, 2011 8:54 pm

    Mas masarap magsulat sa Tagalog, kaso minsan mas gusto ko sa English kase mas naeexpress ko sarili ko eh. =)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: